PANGANIB, este, POSTE sa halos gitna ng DAAN ba ang Hanap Nyo?…Meron kami Nito sa Siruma…

ILAW ba sa KALSDA ang hanap ninyo?…
Oh ayan…PWEDE NA YAN DITO.
Poste ng kuryente sa sementadong daanan.
Ang nasa larawan ay totoong kalagayan
ng isang kalsada sa Barangay Tandoc,
Bayan ng Siruma sa Lalawigan ng Camarines Sur.
*Ito ay kuha ni Jojo Villareal*.
Kung hindi KALSADA ang ILIHIS, PWEDE namang POSTE ang ILIPAT…
Syempre, walang gagawing action dito ang DPWH,
O di kaya’y ang nakakasakop na Camarines Sur Electric Cooperative…
MALIBAN seguro kung may aksidenteng mangyayari…
Kung saan, KARAMI-RAMING SISIHAN at TURUAN MUNA ang magaganap
Bago ito sirain, este, asikasuhin…
Na syento por syento, Dios ko pong mahabagin,
Bago isinagawa, SEGURADO akong
PINAG-ISIPAN ng PAGKALALIM-LALIM.

Facebook Comments