Panganib na dala ng XBB at XBC Omicron subvariants, hindi pa matukoy ng WHO – DOH

Inihayag ng Department of Health (DOH) na hindi pa matukoy ng World Health Organization (WHO) ang panganib na dala ng XBB at XBC Omicron subvariant.

Ayon kay Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, na handa naman ang health care system ng bansa sakaling tumaas ang muli ang kaso ng COVID-19.

Bukod dito, nananatili pa ring mababa ang healthcare utilization rate ng bansa sa kabila ng pagpasok ng bagong variants.


Patunay rin aniya ito na epektibo pa rin ang mga bakuna laban sa mga nadiskubreng variant, kung kaya’t nananawagan ang ahensya sa publiko na magpabakuna at magpaturok ng booster shots laban sa COVID-19.

Siniguro naman ng DOH na patuloy ang kanilang surveillance at monitoring activities upang kaagad na matugunan ang posibleng outbreak ng sakit.

Facebook Comments