Panganib na dulot ng tradisyunal na pagtutuli, ibinabala ng mga doktor

Nagbabala ang isang grupo ng mga doktor sa posibleng panganib na dala ng tradisyunal na pagtutuli.

Sinabi ito ni Philippine College of Physicians (PCP) President Dra. Maricar Limpin sa panayam ng RMN Manila kaugnay sa namatay na binatilyo dahil sa pagdurugo matapos magpatuli sa Lucena City sa Quezon.

Matatandaang nagpatuli ang biktimang si Angelo Tolentino sa isang medical mission na inogranisa ng isang fraternity group noong Marso 21 kung saan kalaunan ay isinugod siya sa ospital at nasawi noong Marso 22.


Ayon kay Limpin, mas mataas kasi ang risk ng infection sa de pukpok na pagtutuli partikular sa kagamitang pagtanggal sa balat ng ari ng lalaki.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng eksperto na generally safe ang pagsasagawa ng circumcision sa mga ospital at medical mission at sa katunayan ay may mga health benefits ito.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Department of Health (DOH) sa mga opsiyal ng Lucena upang imbestigahan ang pagkamatay ni Tolentino.

Facebook Comments