Nagbabala ang isang Filipino-American geologist sa posibleng panganib ng ginagawang reclamation projects sa Manila Bay kasunod ng pagguho ng isang oceanfront condominium sa Miami, Florida na kumitil ng buhay ng 64 katao.
Ayon kay Kelvin Rodolfo, professor emeritus ng Earth & Environmental Sciences sa University of Illinois sa Chicago, maaaring makaranas ng “concrete cancer” o pagkasira ng kongkreto kapag nalantad sa hanging nangagaling sa dagat ang mga bakal sa loob ng gusali.
Partikular naman na binalaan ni Rodolfo ang Metro Manila dahil maraming kongkretong ginagawa na gumagamit ng lahar sand na galing sa Pampanga.
Maliban sa pagiging propesor sa Chicago, isa ring senior research fellow si Rodolfo sa isang non-profit research institute sa Manila Observatory.