Inaksyunan ng Pamahalaang Bayan ng San Nicolas ang panganib sa madulas na sahig at hagdanan sa Public Market sa pamamagitan ng paglalagay ng rubber mats sa mga hagdan ng wet at dry section ng pamilihang bayan.
Ang hakbang ay isinagawa matapos makatanggap ng mga ulat hinggil sa madulas na kondisyon ng mga hagdanan, na posibleng magdulot ng aksidente sa mga tindero at mamimili, lalo na sa mga bahaging madalas mabasa at dinadaanan ng maraming tao.
Personal na ininspeksyon ng pamahalaang lokal ang inilagay na mga rubber mat upang matiyak na maayos at epektibong naipatupad ang proyekto bilang tugon sa isyu ng kaligtasan sa palengke.
Ayon sa pamahalaang bayan, ang inisyatiba ay isang simple ngunit praktikal na hakbang upang matiyak ang kaligtasan at ginhawa ng komunidad.
Nagpasalamat naman ang mga tindero, na nagsabing malaking tulong ito sa mas ligtas at maayos na pamamalengke









