Panganib sa kalusugan ng tao ng sulfur dioxide galing Bulkang Taal, pinawi ng PHIVOLCS

Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang panganib na posibleng ihatid ng sulfur dioxide na tinatangay ng hangin mula sa Bulkang Taal.

Nilinaw ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na hindi makakaapekto sa mga kalapit bayan at lalawigan ang asupre dahil sa paligid lang ng Taal Volcano o volcano island ang pangunahing maapektuhan nito lalo na kung tuyo ang paligid at walang hangin.

Ito aniya ang dahilan noong nakalipas na mga araw kung bakit naipon ang volcanic dust sa paligid ng Taal.


Gayunman, kung tatangayin ito ng hangin sa mas mataas na bahagi ng himpapawid at maitataboy sa iba’t ibang direksyon ay walang panganib na masisinghot ito ng tao.

Dagdag ni Solidum na maaari na lang itong bumagsak sa lupa kapag naihalo na sa mga abo.

Facebook Comments