PANGASINAN 1 ATHLETIC ASSOCIATION MEET, UMARANGKADA NA

Nagsimula na ang pasiklaban ng mga atletang mag-aaral sa Schools Division Office 1, Pangasinan Division Meet.

Aabot sa 8,000 atletang mag-aaral ang kabilang sa naturang kompetisyon.

Ang naturang kaganapan ay pormal na nag-umpisa noong 30 ng Enero sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa Lingayen.

Kabilang dito ang mga paaralan mula sa 22 munisipalidad na sakop ng SDO 1 at pagtatalunan ang aabot sa 23 sport events tulad na lamang ng mga ball games, board games maging ng dance sports at marami pang iba.

Ang mga magwawagi sa iba’t ibang kategorya ng sports ay isasabak sa paparating na Region 1 Athletic Association Meet. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments