Pangasinan 101

Maraming maipagmamalaki ang bansang Pilipinas. Nariyan ang mga masasarap na pagkain, mga tampok na pasyalan, at ang mayamang wika nito kaya nararaparat lang na ibahagiat malaman ng buong mundo.

Viral ngayon ang isang Pangasinense na si Augustine Rib na nasa Australia dahil sa pagtuturo nito sa isa niyang kaibigan na foreigner ng diyalektong Pangasinan. Tubong Calasiao, Panagsinan at Mayo pa lang ngayong taon nagsimula na itong gumawa ng video gamit ang Pangasinan na diyalekto at ang rason ay nais niyang ipakita na ipinagmamalaki niya ang pagiging Pangasinense.

Ayon kay Augustine Rib ginawa niya ang Pangasinan 101 dahil kapag nasa trabaho ito ay tumatawag sa mga pamilya niya at nag-uusap silang mag-anak ng Pangasinan. Ang kaniyang workmate na nasa video ay naging curious tungkol sa salita nito at nagsabing nais niyang matutong Pangasinan kaya naman agad agad na nagpost si Augustine sa facebook at humingi ng mga Pangasinan basic phrases na magandang ituro sa kaniyang kaibigan na foreigner. Sa ngayon ang video ay umabot na sa 882 shares at 68,000 views.


Ang ilan sa mga itinuro nitong Pangasinan phrases ay ang “Kabuwasan ed Sikayo” o Magandang Umaga sa tagalog, “Mabayag ka” o Matagal ka at “Ateris ka” o Baliw ka.

Nagpasalamat si Augustine Rib sa mga suporta ng kapwa niya Pangasinense at gagawinang lahat para maibahagi ang kulturang Pinoy. Kahit baluktot minsan ang kaniyang Pangasinan Proud Pangasinense saan man mapunta ayon sa kaniya.

Panoorin ang video ni Augustine Rib na nagtututo ng pangasinan sa kanyang foreigner friend. Click here!


Facebook Comments