PANGASINAN AT ILOCOS SUR, KABILANG SA 27 LALAWIGAN SA BANSA NA TINUTUTUKAN SA PROGRAMANG LOCAL PEACE ENGAGEMENT

Kabilang ang lalawigan ng Pangasinan at Ilocos Sur sa dalawampu’t-pitong (27) probinsya sa bansa na nasa ‘priority areas’ kaugnay sa patuloy na pagsusulong ng programang localized peace engagement.

Sa inisyatibo ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity of OPAPRU, patuloy na tinataguyod sa kalakhang Ilocos Region ang Local Peace Engagement and Transformation Program ng gobyerno na may layong matamasa ang kapayapaan.

Inihayag ng ahensya na kabilang ang dalawang lalawigan sa priority areas dahil sa posibleng presensya pa rin ng rebelde, bagamat nilinaw din ng mga ito na marami pang basehan na mga salik ang kinokonsidera ng Central Office upang maisama sa priority ang dalawang probinsya.

Isa sa layunin nito ay hindi lamang upang mapalaya mula sa karahasan at kaguluhan ang rehiyon, bagamat ang maigting na pagsusulong din ng mga kampanya ng gobyerno upang ipaalam sa mga grupong ito na may mga inilaang programa para sa kanila.

Umaarangkada na ang peace caravan lalo na sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas o GIDA sa rehiyon sa pagsasakatuparan ng peace process. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments