Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 1 na nanatiling red tide free ang Pangasinan at La Union.
Ito’y matapos na magpositibo ang siyam na coastal Areas sa iba’t-ibang bahagi ng bansa sa Paralytic Shellfish o Red Tide.
Sa inilabas na abiso ng BFAR Region 1, lahat ng klase ng shellfish at alamang sa Bolinao, Anda, Alaminos City, Sual at Bani sa Pangasinan kasama na ang mariculture areas sa Rosario at Sto. Tomas sa La Union ay wala umanong red tide toxin.
Ibig sabihin maaari umano ang pagkuha, pagtransport, pagbenta at pagkain ng mga shellfish dahil ito ay ligtas sa paralytic shellfish. |ifmnews
Facebook Comments