Planong magtayo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bangus Breeding and Hatchery Project sa Brgy. Arnedo, Bolinao, na may layuning tugunan ang kakulangan sa produksyon ng bangus fry at mapatatag ang suplay ng isda sa bansa.
Sa ilalim ng Department of Agriculture – Philippine Rural Development Project, popondohan ang proyekto ng humigit kumulang ₱238.9 milyon na inaasahang makatutulong sa abot 40,000 mangingisda mula sa higit 17 bayan.
Mula sa perspective view, magkakaroon ng hatchery, broodstock tanks, pump house, intake pump at iba pang gusali ang proyekto.
Kung maisasakatuparan, ito ang magiging kauna-unahang bangus hatchery sa bansa na pagmamay-ari ng isang provincial government.
Mula rito, nagsagawa na ng konsultasyon ang tanggapan sa mga mangingisda sa lalawigan upang alamin ang kanilang pananaw sa proyekto.
Pinaniniwalaan na mapapaunlad ng itatayong Pangasinan Bangus Breeding and Hatchery Project ang sektor ng pangisdaan at industriya ng aquaculture sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










