Matagumpay na naisulat ni Serr ‘The Big One’ Delos Santos ng Brgy. Coral, Mapandan ang kanyang pangalan sa international boxing scene matapos masungkit ang panalo sa kanyang debut match sa Way of Champions laban sa pambato ng India na si Manish Chaudha noong Nobyembre 30, 2025.
Sa kabila ng bigat ng pressure bilang kanyang unang laban sa international stage, ipinamalas ni Delos Santos ang tapang, bilis, at determinasyong hinubog ng mahigpit na pagsasanay.
Hindi siya nagpabaya at nagpakita ng kontrolado ngunit agresibong laro, dahilan para masungkit ang kanyang unang panalo sa labas ng bansa.
Ipinagmamalaki namaan ng buong Mapandan ang kanyang tagumpay bilang malaking inspirasyon para sa kabataan, patunay na sa sipag, disiplina, at pangarap, posible ang makapag-angat mula sa lokal tungo sa international arena.
Para kay Serr Delos Santos, ito pa lamang ang unang hakbang. Asahan pa ang mas marami pang laban at tagumpay sa kanyang boxing career. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







