Uumpisahan na ang konstruksiyon ng itatayong Pangasinan Community Park sa bahagi ng Capitol Grounds sa bayan ng Lingayen.
Matatandaan na isinagawa ang groundbreaking ceremony noong Nov. 8 noong nakaraang taon lamang at sa mga sunod na araw ay sisimulan ang pagtatayo nito.
Sa kasalukuyan, sinimulan na ang tree cutting kung saan nasa animnapu’t-apat (64) ang mga punong kinakailangang putulin, ngunit mapapalitan naman umano ng nasa higit tatlong libong mga puno pa.
Samantala, tiniyak naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na sumailalim sa nararapat na proseso tulad ng pagkakaroon ng permit, pagsasagawa ng public consultation, at aprubado ng DENR at iba bago putulin ang nakagisnang mga puno. | ifmnews
Facebook Comments