Dumayo ng Baguio City ang ating mga idol na filmmakers Youthcaster Production sa naganap na Montanosa Film Festival 2024 nito lamang nakaraang April 1 ngayong taon. Naganap ang awarding sa Baguio City Convention Center. Isa sila sa top 8 finalist sa nasabing aktibidad. Kabilang sa documentary category ang kanilang project na pinamagatang “Sketsa ng Dagupan”.
Sa pangunguna ng kanilang Director na si Christian Ramoso. Ayon sa kaniya, “Sketsa na Dagupan” ay isang documentary film project patungkol sa isang 81-year old visual artist na pinangalanang Mariano Aguinaldo na kung saan naging isa sa estudyante ni Victorio Edades at nakilala bilang Dagupan City’s King of Metal Arts.
Pinarangalan din ng lokal na pamahalaan ng Baguio ang kanilang project at ito’y ipapalabas sa susunod na taon ng edisyon ng film festival. |ifmnews
Facebook Comments