PANGASINAN GOVERNOR GUICO, IGINIIT NA BAHAGI NG GOOD GOVERNANCE ANG PAGBIBITIW SA PWESTO NG ILANG MATATAAS NA OPISYAL SA KAPITOLYO

Naglabas ng pahayag si Pangasinan Governor Ramon Guico III ukol sa malaking pagbabago sa pamunuan ng kapitolyo matapos ang napabalitang pagbibitiw sa pwesto ng ilang matataas na opisyal.

Ito ay matapos magbitiw sa pwesto epektibo noong September 1 sina Provincial Administrator Melecio Patague at Provincial Accountant Marlon Operana sa hindi na naipaliwanag na dahilan.

Ayon kay Guico, hindi naging sapat ang serbisyo at pagsunod sa mga proseso ang ilang opisyal dahilan upang palitan ng tapat na maninilbihan at makikiisa sa misyon ng administrasyon para sa lalawigan.

Matatandaan ngayong taon, kabilang sa mga naalis sa pwesto ang mga pinuno ng Provincial Health Office at Provincial Information and Media Relations Office. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments