Suportado ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas ang Pangasinan Green Canopy Program ng Pamahalaang Panlalawigan sa paglahok ng ilang kawani ng LGU maging ang Philippine National Police, Bureau of Fire Protection, Department of Environment and Natural Resources ang tree planting activity sa Villa Verde Trail.
Itinanim ang mga punlang ipinamahagi na may layong maitaguyod ang pangangalaga sa kalikasa at kapaligiran, lalo na at nararanasan ang mga epekto ng pagbabago ng klima.
May layon din itong maisulong sa mga komunidad ang paglikha ng maayos at malusog na kapaligiran na mapakikinabangan ng mga residente sa nasasakupang bahagi maging ang buong lalawigan ng Pangasinan.
Ilan pang departamento ng lokal na gobyerno ang nakibahagi sa nasabing aktibidad kasama ang Sangguniang Bayan, mga environmental advocates at volunteers at Non-Government Org na Guardians. |ifmnews
Facebook Comments