PANGASINAN HEALTH OFFICE, MULING NAGPAALALA SA MGA KABATAAN UKOL SA MASAMANG EPEKTO NG VAPE

Sa kabila ng pagdami ng mga kabataang gumagamit ng E-Cigarettes o ang Vape muling nagpaalala ang Pangasinan Health Office ukol dito.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Dr. Cielo Almoite, Provincial Health Officer na 99% na mga E-Cigarettes ay kagaya ng mga sigarilyong nabibili lamang sa labas kung saan mayroon pa rin itong Nicotine.
Aniya pa kung ano ang epekto ng sigarilyo sa katawan ganoon ang epekto ng E-Cigarettes.

Bagamat wala pang naitatalang kaso ng mga may kaugnayan sa paggamit ng vape ay mahigpit paring ipinaalala ng opisyal na masama pa rin ito sa katawan at may malubhang epekto.
Dahil sa pagdami ng mga gumagamit nito, mahigpit na pinapaalalahanan ang mga magulang na bantayan at pagbawalan ang mga anak sa paggamit nito.
Samantala, matatandaan na nagkaroon na ng inspeksyon ang DTI ukol sa mga nagbebenta ng iligal na E-Cigarettes sa Dagupan City at Calasiao at ilan sa mga shop dito ay nakumpiska at na-issuehan ng notice of violation.
Matatandaan din na isa nang batas ang paggamit ng vape sa pamamagitan ng Republic Act 11900 o ang Vape Law. |ifmnews
Facebook Comments