Pangasinan Health Office naaalarma sa pagbabalik ng Polio; Disease Surveillance pinaiigting

Naaalarma ngayong ang Pangasinan Health Office na muling naitala ang sakit na Polio sa bansa matapos ang halos dalawang dekada ngunit ayon sa ahensya mas paiigtingin ang Disease Surveillance maging ang pagpapabakuna sa mga bata.

Sa panayam ng IFM Dagupan kay Dra. Anna De Guzman, PHO Officer, nanawagan ito sa mga local government at health workers na paigtingin ang coverage ng pagbabakuna at pagbibigay ng oral polio vaccine sa mga batang nasa edad 5 pababa.
Sinabi din ni De Guzman, na mainam rin na panatalihin ang kalinisan sa katawan gaya ng palagiang paghuhugas ng kamay at dapat potable water o malinis na tubig ang inumin at pagkain upang macontrol ang sakit na polio.

Pinaalalahanan din nito ang mga magulang na agad na ipaconsulta ang mga anak na may edad 15 pababa na nakakaranas ng sintomas ng polio gaya ng lagnat, sumasakit na buto buto at nagkakaroon ng pagpaparalisa.


Samantala, higit sampung taon ng nanatiling Polio Free ang lalawigan.

Facebook Comments