Pinuri ng Pangasinan Provincial Health Office ang mga Pangasinense dahil sa patuloy na pagsunod sa mga health and safety protocols.
Sa ika-21 Regular session ng 11th Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan kahapon, sinabi ni Provincial Health Officer Dr. Ana De Guzman na inaasahan umano ng kagawaran na mataas ang kanilang maitatalang mga kaso ng COVID-19 dahil sa mobility o ang iba’t ibang mga aktibidad gaya na lamang ng mga gatherings, reunions, misa de gallo, party celebrations at marami pang iba ngunit hindi umano nakapag-record ang kagawaran ng kanilang inasahan na mataas ang kaso.
Ito ay dahil sa pagsunod pa rin ng mga Pangasinense o mga residente sa lalawigan.
Pinuri din ng opisyal ang mga lokal na pamahalaan mula sa 44 na bayan at apat na lungsod sa Pangasinan dahil patuloy nilang suporta sa mithiin ng kagawaran at sa walang sawang pagpapaalala sa kanilang mga nasasakupan na sumunod pa rin sa mga itinalagang health and safety protocol standards ng National Inter-Agency Task Force.
Dagdag pa ng opisyal, sinabi din nito na lubhang nakatulong ang mga bakuna para makontrol ang iba’t ibang kaso ng COVID-19.
Ayon pa kay De Guzman, mas maingat at mas knowledgeable o alam na ng mga residente ang mga practice sa paggamit ng mask, pag-sanitize at paghuhugas ng kamay ay patuloy na ginagawa sa iba’t ibang lugar partikular na sa mga paaralan at ang social distancing. |ifmnews
Facebook Comments