Magpapasiklab na ang Pangasinan Heat, ang official basketball team ng probinsya ng Pangasinan sa pagpasok ng panibagong season ng Maharlika Pilipinas Basketball League 2024.
Opisyal nang pinirmahan ang franchise agreement ng bagong koponan na pagmamay-ari ng dating Bayambang Mayor Dr. Cesar Quiambao, katuwang si Mayor Arth Bryan Celeste, na isa rin sa Team Manager at MPBL Commissioner Kenneth Duremdes noong Miyerkules sa Urduja House, sa bayan ng Lingayen.
Sa naturang kaganapan, ipinakilala na ang opisyal na line-up ng koponan na sasabak sa panibagong season ng nasabing liga, na pawang mga tubong Pangasinan, partikular na sa Urdaneta, Sual, at Sto. Tomas.
Samantala, pangungunahan naman ang naturang koponan ng coaching staff na binubuo nila Jun Marzan, Jr., Cris Calaguio, Lordy Tugade, at Sonny De Jesus. Sa kabilang banda, ituturing naman na mga team consultants ang mga basketball icons na sina Marlou Aquino at Danny Ildefonso.
Paninigurado naman ni Governor Ramon Guico III, na walang pondo ang magagamit na manggagaling sa kaban ng bayan.
Inaasahan sa ika-16 ng Marso ang magiging unang laro ng bagong koponan sa mismong lalawigan ng Pangasinan. |ifmnews