PANGASINAN HOME-GROWN CELEBRITY CHEF NA SI DONITA ROSE, TINIKMAN ANG TANYAG NA PUTO CALASIAO

Pinasaya ni Ms. Donita Rose ang mga taga-Calasiao, Pangasinan sa kanyang pagbisita kamakailan kung saan personal niyang tinikman ang tanyag na Puto Calasiao, ang pamosong kakanin na ipinagmamalaki ng bayan.

Mainit ang naging pagtanggap ng mga nakakita sa aktres at celebrity chef na hindi lamang nagpakita ng suporta sa lokal na produkto, kundi nagsilbi ring inspirasyon sa mga taga-Calasiao. Isa itong pagpapakita ng mainit na pagsuporta sa mga gawang lokal.

Bukod sa Calasiao, nagtungo rin si Donita sa Dagupan City, kung saan ikinamangha ang kanyang galing sa pagsasalita ng wikang Pangasinan.

Isa ang chef at aktres sa mga personalidad sa telebisyon na diretsong nakakapagsalita ng wikang Pangasinan kasama ang dating premyadong aktres na si Bb. Gloria Romero.

Si Donita Rose ay tubong Malasiqui, samantalang ang kanyang asawa ay mula sa San Manuel, kaya’t malapit sa kanyang puso ang lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments