Kabilang ang Pangasinan sa pinakamayamang probinsya sa buong Pilipinas sa taong 2023.
Ayon sa pinakahuling tala ng Commission on Audit. (COA) Annual Financial Report on Local Government Units na may 18. 36 billion.
Matatandaan na naitala rin ng lalawigan ang ika-pitong pwesto sa 82 probinsiya na mayroong malaking kontribusyon sa gross domestic product o GDP.
Ikatlo rin ang probinsiya sa top contributor ng agrikultura, forestry at Fishing (AFF) na mayroong 3.8 %.
Sa report ng PSA Provincial Statistical Office sa ginanap na Provincial Product Accounts Dissemination Forum nito lamang ika-11 ng Disyembre , tumaas ang ekonomiya ng probinsya na nasa 6. 3% noong 2023.
Samantala, nangunguna sa pinakamayamang probinsiya ang Cebu na mayroong 309. 897 billion assets. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









