PANGASINAN, ITINAAS NA SA BLUE ALERT STATUS DAHIL KAY BAGYONG MAYMAY

Itinaas na ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa Blue Alert Status ang probinsiya dahil sa bagyong Maymay.
Ayon sa Provincial DRRM Council, nagsagawa na ito ng Pre-Disaster Risk Assessment o PDRA at nakaantabay na rin ang quick response team ng mga ibat-ibang council members tulad ng PNP, PCG, BFP, 104th CDC at 71st infantry ng PH Army.
Payo ng PDRRMC, magsagawa ng karagdagang pag-ingat at mag monitor sa anunsyo ng kanilang lokal na pamahalaan.
Nakahanda na rin ang DSWD Field Office 1 sa pag-augment sa mga lokal na pamahalaan sa maaaring maging epekto ng bagyong “Maymay” sa Region 1.
Sa ngayon ay mayroong 49,564 na food at non-food items ang nasa Regional at Satellite Warehouses sa Rehiyon Uno kasama na dito ang apat na warehouses na matatagpuan sa probinsya.
Inaasahang maglalandfall si maymay mamayang gabi o bukas ng umaga sa bisinidad ng aurora at inaasahang magiging low pressure area na lamang pagkatapos ng kaniyang pag landfall.
Ayon sa PAGASA, nasa dalawa hanggang apat ang inaasahang papasok na bagyo sa bansa sa buwan ng Oktubre.
Facebook Comments