Pinalalakas sa Pangasinan ang pagpapatupad ng “smoke-free at vape-free” programs sa pamamagitan ng serye ng pagsasanay para sa mga lokal na pamahalaan.
Noong Oktubre 1–3, 28 bayan at lungsod sa lalawigan ang lumahok sa ikalawang batch ng Framework Convention on Tobacco Control (FCTC) Training sa Clark, Pampanga. Nauna nangng sumailalim ang 22 LGUs sa unangng batch noong Agosto. Layunin ng tatlong-araw na aktibidad na palawakin ang kaalaman ng mga opisyal at health workers sa pagpapatupad ng Provincial Ordinance No. 317-2024 o Comprehensive Smoke-Free Ordinance, na nakabatay sa global MPOWER strategy ng World Health Organization.
Binibigyang-diin sa pagsasanay ang mahigpit na monitoring laban sa paggamit ng tabako at vape, proteksyon laban sa secondhand smoke, tulong sa mga nais tumigil sa paninigarilyo, pagbibigay-babala sa masamang epekto ng paninigarilyo, pagpapatupad ng mga pagbabawal sa promosyon at sponsorship, at pagtataas ng buwis sa tobacco products.
Sa kasalukuyan, siyam na LGUs na ang ganap na nagpapatupad ng ordinansa, kabilang ang Calasiao, San Carlos City, Anda, Rosales, Umingan, Binalonan, Manaoag, Pozorrubio, at Dagupan City.









