PANGASINAN LINK EXPRESSWAY, SISIMULAN NA SA PANGUNGUNA NG PANGASINAN LGU AT SMC INFRASTRUCTURE

Selyado na ang planong pagpapatayo ng Pangasinan Link Expressway (PLEX) Joint Venture and Toll Concession Agreements sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan at San Miguel Corporation Infrastructure kahapon lamang, Oct. 19.
Isa sa layon nito ang mas palawigin ang ekonomiya ng lalawigan ng Pangasinan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa central business district ng bansa.
Isang disenyo nito ang pagpapaikli ng byahe mula sa Tarlac-Pangasinan-Expressway Binalonan hanggang sa bayan ng Lingayen mula 1 oras 45 minuto pababa sa kalahating oras o mas mababa pa, maging mga sakop at madadaan nitong mga lugar sa lalawigan.

Malaki rin ang tyansa ng nasabing proyekto para sa sektor ng turismo ng Pangasinan na magbubukas ng oportunidad upang mapalago ang industriya ng probinsya. |ifmnews
Facebook Comments