Muling hihigpitan ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan ang pagpasok ng mga biyahero upang maiwasan ang community transmission ng COVID-19 Delta Variant.
Base sa inilabas na Executive Order kahapon, hindi papayagang makapasok ang mga NON-APORS at turista na mula sa Enhanced Community Quarantine at Modified Enhanced Community Quarantine, kabilang ang mga lugar dito na nasa ilalim ng NCR Plus Bubble, Ginggog City sa Misamis Oriental, Iloilo Province, ILOILO City, at Cagayan De Oro City.
Para naman sa mga indibidwal o turista na nasa ilalim ng General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine kailangan pa ring magpakita ng negatibong resulta ng COVID-19 test dapat na magpa rehistro sa S-Pass at sa Pangasinan Tara Na.ph.
Nasa bawat lokal na pamahalaan na rin kung magdadagdag ang mga ito ng regulasyon sa kanilang nasasakupan.
Maaari naman ng hindi dumaan sa test o pagsusuri ng LGU ang isang indibidwal na mayroong vaccination card dahil ito ay fully vaccinated na.
Epektibo ang naturang kautusan sa pagsisimula ng ECQ sa NCR plus simula bukas hanggang sa ika-20 ng Agosto.