Pangasinan may bago ng Police Provincial Director

Lingayen Pangasinan – Kamakailan nga ay nag-anunsyo ang pamunuan ng Philippine National Police na magkakaroon ng balasahan sa hanay nito sa buong bansa.

Epektibo nga ngayong araw ay lilisanin na ni PCol. Wilson Joseph Lopez ang pagiging provincial director ng lalawigang Pangasinan dahil sa bago nitong assignment bilang Chief of Staff ng Southern Police District ng National Capital Region Police Office.

Sa ginanap na turnover ng command ceremony kanina sa Pangasinan Provincial Police Office Camp Antonio Sison, Lingayen Pangasinan na pinangunahan ni Acting Regional Director, PBGen Joel Orduña, pormal na ipinasa ni Lopez ang pamumuno kay Incoming Provincial Director ng Pangasinan sa katauhan ni PCol. Redrico Maranan.


Pinasalamatan ni Outgoing Provincial Director Lopez ang mga kasamahan nito sa PNP Pangasinan, mga opisyales ng probinsya at mga mamamayan nito sa tulong nila upang maging matagumpay ang kanyang pamumuno sa hanay ng kapulisan. Samantala nangako naman ang Incoming Provincial Director na si Maranan na ipagpapatuloy ang magandang nasimulan ni Lopez at ang internal cleansing sa hanay ng kapulisan.

Ngayon araw din ay pinangunahan ni Maranan ang kaunaunahang nitong Command Conference kasama ang iba pang mga opisyales ng Pangasinan Police Provincial Office.

Photo-credited to Pangasinan PPO facebook

Facebook Comments