Pangasinan mayor, kanyang asawa nagpositibo sa COVID-19

539

Inihayag ng mayor ng Bayambang, Pangasinan na nagpositibo sila ng kanyang asawa sa novel coronavirus, sa Facebook post, Miyerkules.

Ayon kay Mayor Cezar Quiambao, Marso 16 nang magpatingin silang mag-asawa sa doktor at nagdesisyong magpa-test sa COVID-19.


“During our 14-day quarantine, we confirmed that we were both positive so we received proper treatment from the doctors who believe that we have now recovered,” saad niya.

Sinabi rin ng opisyal na walang dapat ikabahala ang kanyang nasasakupan dahil mabuti umano ang lagay nilang mag-asawa.

Dagdag ni Quiambao, muli silang sasailalim sa 14-day self quarantine upang masigurong walang ibang mahahawaan.

As of March 31, nakapagtala na ang Department of Health ng 2,084 kaso ng COVID-19 sa bansa, 88 ang pumanaw rito, habang 49 ang gumaling na.

Facebook Comments