Pangasinan, naka-full alert status kasunod ng terror threat – PNP

Itinaas ng Philippine National Police (PNP)  Pangasinan sa full alert status ang buong probinsya ng Pangasinan.

 

Ito ay dahil sa kumakalat ng terror threat sa nasabing lalawigan.

 

Hinigpitan ang seguridad sa mga pampublikong-lugar kung saan nagkalat ang mga miyembro ng mga Pulis, Armed Forces Of The Philippines, K-9 unit at explosive ordnance disposal unit patikular na sa Minor Basilica of our Lady of Manaog sa Pangasinan.


 

Sa kabila nang kumakalat terror threat ngayong araw, dagsa pa rin ang mga deboto ng nasabing simbahan upang dumadalo sa misa at magpapa-bless ng kanilang mga sasakyan.

 

Muli naman nagpaalala ang otoridad na maging alerto at mapagmatyag sa  paligid at huwag magdalawang isip na magsumbong sa mga pulis kung sakali makapansin ng                  kahina-hinalang kilos sa paligid.

Facebook Comments