PANGASINAN, NAKA RED ALERT DAHIL SA BAGYONG PAOLO

Isinailalim sa red alert status ang buong lalawigan ng Pangasinan mula Biyernes ng umaga dahil sa posibleng epekto ng Bagyong Paolo, ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Ayon kay Vincent Chiu, operations chief ng PDRRMO, nagsagawa na sila ng pre-disaster risk assessment kasama ang iba’t ibang ahensya at handa na ang mga tauhan, ambulansya, at iba pang kagamitan.

Inaasahang makararanas ang lalawigan ng 100–200mm na ulan at storm surge na aabot sa isa hanggang dalawang metro sa mga baybaying bayan base sa heavy rainfall outlook. Umabot din sa Signal No. 1 at 2 ang itinaas sa iba’t-ibang panig ng Pangasinan.

Hinimok ng PDRRMO ang mga residente sa mabababang lugar at landslide-prone areas na lumikas agad kung kinakailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments