PANGASINAN, NAKAPAGTALA NA NG APAT NA FIRECRACKER RELATED INJURIES ILANG ARAW BAGO ANG BAGONG TAON

BAYAMBANG, PANGASINAN – Ilang araw bago ang 2022, nakapagtala na ang Provincial Health Office ng Pangasinan ng Firecracker-related injuries.

Ayon kay Dra. Anna Ma. Teresa de Guzman, umabot na sa apat ang firecracker related injuries sa probinsiya.

Mataas ito kumpara sa naitalang kaso noong nakaraang taon na mayroon lamang tatlong kaso.


Ilan sa mga biktima ay edad 7 taong gulang na naglaro umano ng kwitis, dalawa naman ay biktima ng boga at isa naman sa 5 star.

Ang mga ito ay mula sa bayan ng Bayambang, Manaoag, sa mga siyudad ng San Carlos at Dagupan.

Naglabas na ang PHO ng kautusan sa labing apat na government-run hospital na paigtingin ang paghahanda ng mga ito para sa selebrasyon ng Bagong Taon.

Samantala, ang lahat ng hospital ay naka code white alert na at nakatakdang itaas sa red alert sa darating na December 31-Jan 1, 2022. | ifmnews

Facebook Comments