LINGAYEN, PANGASINAN – Humihingi ngayon ng suporta ang Pangasinan Provincial Police Office sa mga Pangasinense ngayong unang buwan pa lamang ng 2022 ay nakapagtala na ito ng pitong shooting incident.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Provincial Director PCOL Richmond Tadina, bagamat wala itong koneksyon sa pulitika o papalapit na halalan malaking tulong ang suporta ng mamamayan upang maresolba ang mga shooting incident.
Ilan sa mga naging dahilan aniya nito ay dahil sa dati ng galit.
Aniya, kung may mga umiikot na bagong mukha sa kanilang lugar ipagbigay alam ito sa pinakamalapit na police station.
Ipagbigay alam din umano sa himpilan ng pulis kung may mga kakilalang may baril ngunit hindi lisensyado upang sila ay maaresto.
Sa kabila aniya ng pinaigting na pagpapatrolya ng pulisya nakapagtala pa rin ng shooting incident ang probinsiya ngunit ayon sa opisyal ito ay maituturing lamang na isolated cases.
Dagdag ni Tadina, sa kasalukuyan wala pa silang namomonitor sa probinsiya na armed group.
Dagdag ni Tadina, sa kasalukuyan wala pa silang namomonitor sa probinsiya na armed group.
Sa huli, sinabi nito na malaking tulong ang suporta ng mga Pangasinense upang makamit ang katahimikan sa papalapit na halalan ngayon taon. | ifmnews
Facebook Comments