PANGASINAN NAKAPAGTALA NG PINAKAMATAAS NA INFLATION RATE SA ILOCOS REGION

Naitala ng Pangasinan ang pinakamataas na inflation rate sa Ilocos Region Setyembre ngayong taon na umabot sa 3.8%, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa kabuuan, pumalo sa 2.7% ang inflation rate ng rehiyon, mas mataas kaysa 2.4% noong Agosto at 0.6% noong Setyembre 2024.

Ayon sa PSA, pagtaas ng presyo ng pagkain, non-alcoholic beverages, at transportasyon ang pangunahing dahilan ng pagbilis ng inflation.

Tumaas ang presyo ng mga gulay (32.8%) at isda (16.6%), habang bumaba naman ang presyo ng bigas (-18.5%) at asukal (-1.5%).

Ang mga sektor ng pagkain, restaurants at accommodation services, at housing and utilities ang may pinakamalaking ambag sa kabuuang inflation ng rehiyon.

Patuloy namang binabantayan ng mga awtoridad ang galaw ng presyo ng mga bilihin upang mapagaan ang epekto ng inflation sa mga mamamayan.

Facebook Comments