PANGASINAN, NAKAPAGTALA NG PINAKAMATAAS NA KASO NG INFLUENZA-LIKE ILLNESSES SA REGION 1

Nanguna ang Pangasinan sa nakapagtala ng pinakamataas na kaso ng Influenza-Like Illnesses sa Ilocos Region base sa datos na inilabas ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit ng Department of Health ngayong Oktubre.

Base dito, 2,960 ang naitalang kaso sa Pangasinan, sinusundan ng Ilocos Norte na Ilocos Norte na may naitalang 2,229; La Union na may 1,762, Ilocos Sur na may 1,345 kaso at 546 sa Dagupan City mula Enero hanggang Oktubre 15 ngayong taon.

Sa kabuuang datos ng tanggapan, bahagyang bumaba ang naitalang kaso sa naturang petsa na nasa 8,842 kung ihahambing sa kaso noong nakaraang taon na umabot sa 10,605.

Karamihan sa mga nagkasakit ay edad isa hanggang apat na taong gulang na nasa 2,694 at edad lima hanggang siyam na taong gulang sa bilang na 1,654.

Wala naman naitalang pumanaw sa sakit.

Ayon sa DOH, patuloy ang pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, health centers maging sa mga paaralan upang mabantayan at matiyak ang mabilis na pag-uulat sa kaso nang makapagpamahagi ng bakuna.

Hinikayat din ang pagpapabuka ng Influenza at pagtitiyak na may maayos na bentilasyon ang bawat silid na pinupuntahan dahil makakatulong itong malabanan ang sakit.

Patuloy ang paalala ng awtoridad sa publiko na pataasin ang proteksyon sa sakit kasunod ng papalapit na malamig na panahon kung kailan madalas nakakapagtala ng mas maraming kaso sa bansa.

Facebook Comments