Tiniyak ng Pangasinan Police Provincial Office na hanggang sa Kasalukuyan ay nanatiling payapa at tahimik ang probinsiya, limampu’t tatlong araw bago ang eleksyon.
Ayon kay Pangasinan Police Director PCol. Rollyfer Capoquian sa isang panayam, malaking bagay umano ang paglalatag ng COMELEC checkpoints maging ng police presence sa buong lalawigan.
Samantala, umabot naman na sa 20 baril ang nakumpiska ng awtoridad simula ng ipatupad ang campaign period.
Gayunpaman, nakitaan ng pagbaba ang kaso ng pamamaril sa unang dalawang buwan ng taon, kung saan mula sa 12 noong taong 2024 ay umabot lamang ito sa 6.
Patuloy rin ang panawagan ng pulisya na isulong ang kapayapaan sa probinsya upang maging maayos ang lahat lalo na’t sasapit na ang Halalan 2025. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨