LINGAYEN, PANGASINAN – Nangangailangan ngayon ang lalawigan ng Pangasinan ng 155 na health workers na siyang tutulong sa COVID-19 response ng pamahalaan panlalawigan.
Ang mga ito ay itatalaga sa labing apat na government run hospitals.
Ayon sa Governor Amado I Espino III, isa umano ito sa kahilingan ng mga chief of hospitals na kaya namang swelduhan.
Ang mga nursing aides, midwives at iba pang health care workers ay maaaring magpadala ng kanilang resume sa sa PHO, PHRO at sa opisina ng gobernador.
Pinakamaraming itatalaga ay sa Pangasinan Provincial Hospital na sitang may pinakamaraming pasyente na kailangang tugunan ang atensyong medikal.
Samantala, nakahanda naman ang halfway house sa Sta. Barbara bilang isa sa mga karagdagang quarantine facility ng lalawigan.