PANGASINAN, NANGIBABAW SA R1AA 2026; SAN CARLOS CITY BEST PERFORMER SA PARAGAMES

Namayagpag ang Pangasinan sa matagumpay na kampanya ng kanilang delegasyon sa katatapos lamang na R1AA Meet 2026, kung saan ipinakita nila ang matinding lakas at husay sa iba’t ibang larangan ng palakasan.

Ilan sa mga highlight ng palaro ay ang pangunguna ng San Carlos City bilang Best Performing Division sa PARAGAMES na nakakuha ng 22 golds, 6 silvers at 16 bronzes. Sila rin ay tinanghal bilang Best Performing sa Archery na may 7 gold, 3 silvers at 2 bronzes.

Tinanghal ang SDO Dagupan City bilang Best Performing Division sa boxing. Samantala, nanguna ang SDO Pangasinan 1 sa chess, dancesport, futsal, at pencak silat. Ang SDO Pangasinan 2 naman ay nangibabaw sa basketball, billiards, futsal, table tennis, tennis, sepak takraw, at football, habang ang SDO Urdaneta City ay sa arnis.

Ang kanilang kahandaan at determination ay patunay ng kanilang mga medalya na naiuwi, dahil dito kinilala ang delegasyon bilang isa sa pinakamalalakas sa buong Region 1.

Samantala, inaasahang na ang mga atletang nanalo ay kakatawan sa rehiyon sa susunod na pambansang kompetisyon, dala ang pag-asang mas lalo pang mag aangat ng kanilang husay.

Sa kabuuan, muling pinatunayan ng Pangasinan ang kanilang tagumpay ay hindi lamang panalo sa laro, kundi inspirasyon din sa kabataan na patuloy na magsikap at mangarap. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments