PANGASINAN, NANGUNA SA MAY PINAKAMATAAS NA BILANG NG NABAKUNAHAN NA UMABOT SA 240K SA BUONG REGION 1

MALASIQUI, PANGASINAN – Pumalo sa kabuuang 439, 371 ang kabuuang naiturok na bakuna kontra COVID19 sa buong Region 1 kasabay ng naganap na tatlong araw na Nationwide Bayanihan Bakunahan.

Sa unang araw naitala ang 161, 232 na vaccine administered, 135, 724 naman sa ikalawang araw at 142, 415 sa ikatlong araw ng bakunahan. Ito ay base sa inilabas na monitoring ng Department of Health Center for Region 1.

Nanguna ang lalawigan ng Pangasinan sa may pinakamataas na bilang ng doses administered simula sa unang araw ng pagbabakuna na kung saan naitala nito ang kabuuang 240, 999 jabs sa tatlong araw ng pagbabakuna.


Malayo naman ang agawat nito sa Ilocos Sur na may kabuuang 64, 467; La Union na may kabuuang 63, 535; 59, 117 naman ang naiturok na bakuna ng Ilocos Norte at pinakahuli dito ang lungsod ng Dagupan na may 11, 253 vaccine doses administered. | ifmnews 

Facebook Comments