PANGASINAN, NANGUNGUNA SA MAY PINAKAMATAAS NA BILANG NG POPULASYON SA BUONG REHIYON UNO

Nangunguna parin ang lalawigan ng Pangasinan sa buong Rehiyon Uno sa may pinakamataas na bilang ng populasyon kasabay ng inilabas na tala ng Philippine Statistics Authority o PSA sa kakatapos na isinagawang 2020 Census of Population and Housing.

Ang Pangasinan ngayon ay may naitalang 3.16 million total population para sa taong 2020 na maituturing umanong pinakamabilis na lumalaking probinsiya sa Rehiyon na may average annual population growth rate na 1.43 percent mula sa 2015 hanggang 2020 period na sinusundan naman La Union (0.94%), Ilocos Norte (0.58%) at ang Ilocos Sur na may pinakamababang (0.49%).

Ang lungsod naman ng San Carlos ang may pinakamaraming populasyon sa mga bayan at munisipalidad na nakapagtala ng 205, 424 at pangalawa naman ang Dagupan City na may 174, 302 total population.


Pasok din naman sa top ten na may mataas na populasyon ang Urdaneta City, Malasiqui, Bayambang, San Fernando sa La Union, Mangaldan, Laoag City sa Ilocos Norte, Lingayen at ang Calasiao.
Sa ngayon, may mga interventions o programa naman umano ang PSA ukol naman na pagbababagal ng bilang ng populasyon lalo na ngayong panahon ng pandemya na laganap din umano ang teenage pregnancy na mahigpit nilang babantayan upang maiwasan ang biglaang taas ng populasyon.

Facebook Comments