Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang katimugang bahagi ng Agno, Pangasinan kaninang alas-10:18 ng umaga.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natukoy ang epicenter ng lindol sa layong 89 kilometro ng timog-kanluran ng Agno sa Pangasinan.
May lalim lamang itong isang kilometro at ang pinagmulan ng pagyanig ay tectonic.
Naramdaman naman ang instrumental intensity 1 sa Bani at Bolinao, Pangasinan.
Facebook Comments