PANGASINAN PDRRMC, PATULOY ANG PAGHAHANDA PARA SA MGA APEKTADO NG BAGYONG PAENG

Upang tiyakin ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa buong lalawigan ng Pangasinan, kasama ang buong pwersa ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Council o PDRRMC, nagsagawa ang ahensya ng Pre-Disaster Risk Assessment o PDRA upang tukuyin ang mga posibleng epekto at maaaring panganib ng nasabing bagyo.
Katuwang ang LDRRMO ng iba’t-ibang lungsod at munisipalidad ng probinsya, patuloy pa rin ang naging pagsubaybay sa galaw ng tropical storm habang binabagtas nito ang kalupaan ng Central Luzon na siyang nakaapekto sa naging panahon sa buong probinsya.
Inaasahan pa rin ng ahensya ang pag-ulang may malakas na paghangin kung kaya’t inihanda ang mga search and rescue teams na magagawi sa Western at Eastern Pangasinan upang magbigay serbisyo sa kaligtasan ng mga residente sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Samantala, nailikas na ang mga pamilyang binaha sa Coastal Brgy ng Lingayen sa tulong ng PNP, 71st Infantry Battalion, o Philippine Army, PCG at BFP at magpapatuloy pa rin ang rescue para sa mga nangangailangan ng tulong. |ifmnews
Facebook Comments