PANGASINAN PDRRMO, IBINABA NA SA WHITE ALERT STATUS ANG LALAWIGAN NG PANGASINAN KAHAPON

Ibinaba na ng Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office sa White Alert Status ang lalawigan ng Pangasinan kahapon, alas dose ng tanghali.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Patrick Aquino, Focal Person ng PDRRMO, ibinaba na ang status dahil maaliwalas na ang panahon matapos ang naganap na bagyo nitong weekend.
Sa kabila aniya ng pagbababa nito, ay naka-standby naman ang mga kawani ng PDRRMO na mga responders upang mag-rescue sa mga nangangailangang indibidwal o lugar sa lalawigan.

Sinabi din ng opisyal na nakauwi na rin ang mga 103 na pamilyang inilikas dahil sa sama ng panahon noong sabado maliban sa dalawang pamilya sa bayan ng Bani dahil hindi pa ligtas sa kanilang lugar.
Ang mga evacuees ay mula sa bayan ng Bani at Alaminos City.
Samantala, matatandaan na nakatanggap ang mga evacuees ng mga relief goods mula sa mga LGU, PSWDO at sa DSWD.
Sa ngayon pinapayuhan pa rin ang lahat na maging alerto sa lahat ng oras at agad na tumawag sa tanggapan ng PDRRMO at iba pang mga rescue teams sakaling mangailangan ng tulong. |ifmnews
Facebook Comments