PANGASINAN PDRRMO, ISINAILALIM NA SA BLUE ALERT STATUS NGAYONG HOLY WEEK

Isinailalim na sa Blue Alert Status ang buong Pangasinan PDRRMO bilang hudyat ng pinaigting na pagbabantay sa mga pampublikong lugar sa lalawigan ngayong kasagsagan ng Semana Santa at bakasyon.

Ayon kay Operations Head Vincent Chui, sa ilalim ng Blue Alert, nasa 80% ng mga responders ang nakadeploy sa kani-kanilang areas of responsibility, kabilang na ang mga baybayin.

Isinama rin sa isinagawang pagpupulong ang labing-apat na coastal towns sa lalawigan, na inaasahang dadagsain ng mga turista, upang matiyak ang nagkakaisang hakbang sa pagresponde at pagbabantay.

Sa ilalim rin ng Blue Alert Status, nakahanda ang mga personnel, water rescue assets, at iba pang kagamitan para sa agarang pagtugon sa anumang pangangailangan ng publiko.

Kaugnay nito, tiniyak ng tanggapan ang pinaigting na koordinasyon sa iba pang ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at makamit ang mapayapa at maayos na paggunita ng Semana Santa hanggang sa pagtatapos ng bakasyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments