Nakararanas na ngayon ang ilang bahagi ng Pangasinan ng malalakas na pag-uulan na may kasamang pagkidlat at malakas na hangin kaya naman nagbigay babala ang tanggapan ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ukol sa panganib nito. Ayon sa tanggapan, kung sakaling maabutan ng pagkidlat sa isang bukas na luga ay huwag humiga sa lupa dahil may mataas na tsansa ng panganib sa pagkakuryente.
Mainam na gawin ang squat position, ipagdikit ang sakong ng paa para mabawasa ang daloy ng kuryente sa katawan, takpan ang tainga gamit ang kamay para maprotektahan mula sa malalakas na pagkulog.
Umiwas rin sa mga konduktor ng kuryente gaya na lamang ng metal, kable, tubo at tubig.
Kahapon, nakaranas ng malakas na pag-ulan na may kasamang pagkidlat at malakas na hangin dahil sa thunderstorm ang bahagi ng Aguilar, Alaminos City, Ada, Bolinao, Bugallon, Labrador, Mabini, at Mangatarem ayon sa DOST-PAGASA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








