PANGASINAN PDRRMO, NAGPAALALA SA PAGGAMIT NG ELECTRICAL APPLIANCES NA NABAHA

Nagpaalala ang Pangasinan PDRRMO ukol sa paggamit pa rin ng mga electrical appliances na nabasa na ng tubig baha nitong nagdaang bagyo.

 

Mapanganib umano kung agad na gagamitin ang mga ito kaya’t payo ng tanggapan na huwag muna itong isasaksak.

 

Patuyuin muna ng husto at huwag kakalikutin kung wala gaanong kaalaman sa naturang appliance at mainam na ipatingin sa eksperto.

 

Posibleng mapahamak kung agad na gagamitin ang mga de-kuryenteng kagamitan na nabasa lalo at tubig ay isa sa epektibong konduktor ng kuryente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments