Nanatiling nasa heightened o red alert status ang lalawigan ng Pangasinan kahit nakalabas na ng bansa ang Bagyong Mirasol. Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO, ito’y bilang paghahanda naman sa posibleng epekto ng Bagyong Nando.
Pahayag ni PDRRMO emergency operations head Pia Flores, patuloy ang pagbabantay dahil posibleng magdala ng malalakas na ulan at hangin si Nando mula Lunes hanggang Miyerkules, habang pinapalakas din nito ang habagat simula Linggo.
Dagdag pa ni Flores, may posibilidad na lumakas si Nando at maging super typhoon, kaya’t puspusan na ang paghahanda at pagbibigay ng impormasyon sa mga lokal na pamahalaan at mangingisda upang maiwasan ang pagkaka stranded sa dagat.
Kasabay nito, mahigpit ding mino-monitor ang mga ilog at inaasahang pag-ulan mula sa upstream areas, bagama’t nasa normal pa ang lebel ng tubig sa ngayon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









