PANGASINAN PDRRMO, NAKAPAGTALA NG 18 INDIBIDWAL NA MAKARANAS NG HEAT EXHAUSTION

Nakapagtala ang Pangasinan Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ng 18 indibidwal na makaranas ng Heat exhaustion dahil sa matinding init ng panahon.

Sa Pantongtongan tayo ng PIA Pangasinan, sinabi ni Vincent Chiu ang Operations Head ng PDRRMO, karamihan Sa mga ito ay mga estudyante at manggagawa.

Aniya, minor cases lamang ito dahil Ilan sa mga naranasan nila ay pagkahilo, matinding uhaw, at panghihina.

Wala rin umanong naitalang casualty sa lalawigan dahil sa mataas na heat index.

Dagdag ni Chiu, asahan pang taas ang heat index kung kaya’t payo nito na alamin ang pagtataya sa heat index upang maiwasang magsagawa ng aktibidad sa labas at magkaroon ng paghahanda nang maiwasan ang heat-related illnesses.

Samantala, hinihikayat nito na tumawag sa 911 sakaling kailanganin ang kanilang tulong sa mga emergency. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments