
Hindi na lamang panawagan kundi pakiusap na ng Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction Management Office na mag pre-emptive evacuate ang mga residenteng nasa hazard-prone areas upang hindi malagay sa alanganin.
Sa panayam kay Operations Head Vincent Chui, hindi pa rin umano maiiwasan na may mga residenteng hindi maiwan ang kanilang tahanan sa kabila ng abisong pre-emptive evacuation ng mga lokal na pamahalaan.
Giit ni Chui, mahalagang sumunod sa abiso ng awtoridad upang hindi na rin mahirapan ang mga rescuer sa oras na mas lumala ang sitwasyon sa mga apektadong lugar.
Agad na rin umanong lumikas sakaling kinakailangan na at huwag nang hintayin pa ang rescue operations ng awtoridad.
Nakahanda ang mga composite teams ng PDRRMO mula sa hanay ng kapulisan, sundalo ,Coast Guard at ilan pang enforcement agencies para sa agarang pagresponde sa anumang emergency. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









