Patuloy ang pag-antabay ng Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office sa kalagayan ng panahon sa lalawigan ng Pangasinan maging ang mga lokal na pamahalaan ng mga bayan at lungsod sa lalawigan.
Ang ibang munisipalidad ay nagsagawa na ng Joint Disaster Assessment Meeting and Monitoring at Post Disaster Assessment and Needs Analysis upang malaman ang naging epekto ng Bagyong Egay sa kanilang mga nasasakupan at makapagbigay ng nararapat na solusyon kaugnay dito. Maging ang pagmonitor ng mga LGU sa mga mabababang bahagi o mga low lying areas sa kanilang lugar.
Bagamat nakalabas na rin sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Egay nananatiling makulimlim at nakakaranas ng pag-ulan ang ilan pang bahagi sa lalawigan.
Alinsunod dito, pinayuhan ang publiko na manatili sa kani-kanilang mga tahanan lalo na may mga suspension ngayon ng klase at trabaho sa ilang lugar. Pinaalalahanan din ang pagiging alerto sa lebel ng tubig ngayon na maaaring magdulot ng matinding pagbaha at maging updated sa lagay ng panahon.
Samantala, epektibo pa rin hanggang ngayon ang mga ipinatupad na No Swimming Policy at pagbabawal sa mangingisda na pumalaot sa mga dagat at kailugan sa ilang bahagi sa Pangasinan upang maiwasan ang anumang aksidente kaugnay dito. |ifmnews
Facebook Comments