Sa ilalim ng pamumuno ni Gov. Ramon V. Guico III, kinilala ng Department of Health ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan bilang National Awardee sa Kampeon ng Kalusugan sa mga Komunidad.
Tinanggap ni Gov. Guico ang parangal mula kay Dir. Dominic Maddumba OlC-Director ll ng Health Promotion Bureau at Regional Director Paula Paz Sydiongco ng DOH Region 1.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na igawad sa Pangasinan ang nasabing parangal.
Kabilang din sa pinarangalan ang Davao de Oro at Pasay City.
Layunin ng prestihiyosong parangal na kilalanin ang mga hakbang ng mga local government unit (LGU) sa pagpapanatili at pagsulong ng mahusay, ligtas at malusog na komunidad.
Hanga ang DOH sa mga hakbang na ginagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan sa pagpapanatili ng malusog na mga komunidad sa probinsya.
“Nakita ko po sa best practices ng Pangasinan, meron pong nabanggit na Capitol Redevelopment Project. Nakita ko na dito naka-focus sa open spaces, active transport, at road safety,” saad ni Dir. Dominic Maddumba, OIC-Director III, DOH Health Promotion Bureau.
Partikular ding binanggit ang Provincial Ordinance No. 325-2024 kung saan nakapaloob ang pagsusuot ng reflective vests ng mga motorcycle riders.
Mayroon ding Provincial Ordinance No. 317-2024 na nag-reregulate sa pagbenta, distribusyon, at pag-advertise ng mga sigarilyo at tobacco products, electronic nicotine at non-nicotine delivery systems, heated tobacco products at novel tobacco products.
“Our responsibility as public servants is to pursue the balance of hard infrastructure and soft infrastructure which includes education, healthcare, social services, and moral infrastructure. That is what we are doing in Pangasinan. That is why our vision is “Pangasinan, Ang Galing!” This [award] is already an affirmation that in less than three years, we have done so much,” pahayag ni Gov. Guico.
Saksi sa pagtanggap ng award si Vice Governor Mark Lambino, Board Member Sheila Baniqued, mga chief of hospitals at mga department heads. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨